Sasayaki / Moonlight Whisperers (ささやき ,1999)
Hindi ko ‘to na-gets. Ewan! Basta ang tingin ko sa movie na ‘to eh weird. Isa pang pumasok sa utak ko eh, “ano ba ang mga kabataan ngayon, kung ano-anong eksperimento ang ginagawa!?” kasi para sa akin, napaka-unlikely na gawin ng mga tipikal na teenagers yung ginawa nila dito sa movie. Pero naisip ko, well, eh movie ‘to eh. Walang basagan ng trip.
Pero siyempre kelangan ko guluhin yung trip ng direktor dito, kasi siyempre movie ‘to eh, kelangan may manood, ha ha!
Tungkol ito sa isang lalaking teenager na may crush sa kanyang kaibigang kasama sa kendo. Pero, hindi lang crush pala ang tingin niya sa babaeng ito. Uh… sabihin na nating may kakaiba siyang fetish, he he. So eventually naging sila nung girl at nadiskubre ng girl ang kakaibang fetish na ‘to, na eventually ay nag-ignite din sa fetish niya. Ahaha, sabi na ang labo eh.
Para sa akin, ang Sasayaki ay tungkol sa love and its forms, no matter how bizarre they are. Personally, I don’t even think na “love” yung na-feel nung dalawang bida dito. Para lang talaga silang nag-e-experiment, with disastrous results. For me it’s not about the lost of innocence, but how (young) people should weigh the consequences of their actions. Wala lang, para kasi silang may sariling mundo kaya nakakainis.