Charlie Wilson’s War
Charlie Wilson’s War (2007)
Para sa akin, crash course sa Cold War ‘tong movie na ‘to. In between watching eh tinatanong ko ‘yung tatay ko (na nakumbinsi kong manood kasama ko instead na mag-chess lang siya sa Yahoo!) kung ano ba yung nangyari nung Cold War tsaka yung mga nangyari sa bansang involved dito. Siyempre kuwento naman ‘yung tatay ko.
Hindi ako fan ng mga war films. Eh hindi ko alam kung tungkol saan ‘tong movie na ‘to kaya hiniram ko, so ayun. Okay naman siya. Gusto ko yung cinematography kasi washout yung color ng film pero crisp pa rin yung texture. Galing pa umarte ng mga artista dito.
