Errands Day
I made sure I did some of my errands for the day since I barely have time to do them. Kanina pumunta ako sa Passport Office to apply for my Canadian passport. I woke up late (supposedly 10 ng umaga ako dapat aalis, pero nagising ako 10 na, he he!), pero hindi naman talaga dapat magmadali. I managed to prepare and leave the house by 10:45, tapos diretso na ako sa office. Madali lang namang hanapin kasi sa Main Street lang naman. Pagdating ko dun akala ko may pila, pero wala! I was client 94, at pagkaabot na pagkaabot sa akin ng number biglang nag-blink na yung number dun sa screen! Tinawag ako agad, he he! I submitted my papers, tapos may mga questions na binigay. Mga 10 minutes tapos na agad, at may $87 na nalagas sa aking account, he he!
Ang mahal pala magbayad ng passport. Pero now that I think about it, I feel grown up kasi ako na nag-asikaso ng papers ko.
After that I went to Don’s to get some film. Ang plan ko talaga is to process my colored film, and then bibili siguro ng isa o dalawang 35mm pa. Nakakatuwa yung chat namin nung parang “duo” na guys dun, he he! In the end bumili na lang ako ng Kodak Ultracolor 400UC. I asked the “duo” kasi na I am going to use the film for a Lomo camera so I need something… bright. So tinanong nila yung isang matanda dun at yan ang ni-recommend. Dapat bulk film lang ang io-offer nila sa akin. Hehe. Napabili rin ako ng Kodak Portra for my Holga.
Sabi nung matanda dun, “For a Lomo, you have to use a fast film because of the need for speed.” Nakakatuwa lang, ang seryoso niya kasi pakinggan kanina. Tapos yun nga, short chat dun sa “duo” kasi tinanong nila ako san ko nakuha yung Lomo (I was referring to my Holga and my Vivitar Ultra Wide and Slim). Tapos I left Downtown to meet up with Lem. Eh nasa gym pa siya so I went to Osborne to sell some of my CDs, nag-window shopping sa Desart, tapos I went to Corydon and waited at Starbucks, tapos nagkita na lang kami sa tapat ng apartment nila.
Dapat sa Fresh Cafe kami kakain ng late late late lunch pero… amoy luya at ang daming tao. Nairita lang. So ayun naglibot sa Corydon kung saan puwedeng kumain at napadpad na lang kami sa Sushi Ya. Ang laki ng Adegashi Tofu nila! Nasiyahan lang ako nang husto, ha ha! Tapos nag-IrBen to pick up my manga, tapos nag-bus papuntang BDI ulit para mag-ice cream. Tapos kuwentuhan lang.
Wala pa lang pictures kasi film camera yung ginamit ko (naubos that day yung bagong biling film). Sa Thursday i-scan ko na sila pagkatapos kunin ni Lem.
