| Subcribe via RSS

Mahirap maghanap ng date

March 27th, 2008 Posted in Personal

Grad ball ko sa May 2. At wala pa akong date.

Una talagang pumasok sa utak ko eh magdala ng isang female friend as a guest. The thing is, naisip ko, well, puwede siguro akong mag-aya ng guy na gusto ko di ba? *ubo ubo* So nung weekend, nag-isip ako kung mag-a-ask out ako.

Dumating ang Lunes, semi-ready pa ako, pero ayun, eventually nasabi ko rin kasi naman biglang sumulpot yung tatanungin ko nung umu-order ako ng pagkain! Wahaha! Parang sitcom. Kaso mo, sitcom din ang sagot — hindi siya puwede kasi may work siya. Nitong mga oras na sinasabi niya ‘to, ang thought process ko ay: “Uh, hello, mahigit isang buwan pa bago ‘yung grad ball. Baka gusto mo namang ipa-book off kahit isang gabi lang?”

Pero hindi eh, so ayun. Medyo na-down ako ng araw na ‘to. Kasi naman, never pa ako nag-ask na maging date ko, tapos sawi pa.

May in-ask din ako. Um-oo na. Kaso nung nalamang hindi group date, nagback-out, kasi may girl palang pino-pormahan, so baka wrong signal dun sa girl kapag niyaya ko si guy friend.

So back to square one. Nakakatawa pa, sinulatan na ako ng Arts Student Body Council para dun sa grad ball. Talagang pinag-didikdikan eh, ha ha! Yung TA ko last summer sa Personality na kaibigan ko ngayon, nirereto niya sa akin yung kapatid niya. Uh, di ko alam kung papayag ako o hindi.

Parang ewan. Kung kelan ako tumanda saka ako parang naging engot pagdating sa dating scene.

Comments are closed.