| Subcribe via RSS

On secrets, books, and going out alone

February 8th, 2008 Posted in Books, Japanese Literature, Personal, Winnipeg

Lumabas akong mag-isa after ng aking Media Anthropology test kaninang hapon. It’s been a while since I last had a “self” time kasi kadalasan lumalabas ako with friends eh. Anyhow, bali kumain lang ako ng lunch sa school pagkatapos ng test ko, tapos eh pumunta na ako sa Winnipeg Art Gallery para puntahan ang installation ng PostSecret. I missed the book signing last January 17th, sayang.

At oo nga pala, bawal ang cameras sa loob ng gallery so walang pictures. Eto na lang, sa labas ‘to ng gallery. :)

Pagkatapos kong mag-WAG eh dapat babalik pa ako ng school kasi magmo-mall daw sila Sybil. Kaso nag-text si Joann at sinabing hindi na daw tuloy so naisipan kong pumunta na lang sa Osborne at hanapin yung librong gusto ko sa Burton Lysecki. Uhm. Hindi ko nahanap yung gusto ko pero may tatlo akong nabiling libro: dalawang volumes ng Sources of Japanese Tradition, Forbidden Colors ni Mishima Yukio at saka Asleep ni Yoshimoto Banana (ang hirap hanapin nito, sobra!). Nandun pa nga yung Japan: A History of Art na nakita namin ni Joann last time. Babalikan ko kapag may oras na ako (at wala akong dala; bigat kasi ng gamit ko kanina).

Pag-uwi ko, may mga 20 minutes pa akong aaksayahin so dumaan na rin ako sa McNally at kinumpleto ko na ang listahan ko ng libro ni Murakami Haruki. May kopya na ako ng Blind Willow, Sleeping Woman at saka A Wind-Up Bird Chronicle! Idi-discuss namin sa klase yung A Wild Sheep Chase. Baka siya na rin yung piliin kong writer na idi-discuss ko sa paper ko. So far, nakikini-kinita ko nang hindi masyadong bago ang approach niya sa literature, pero saka ko na lang ikukuwento kapag nabasa ko na lahat ng requirements ko at saka may mga nabasa na akong ibang stories from other Japanese authors.

One Response to “On secrets, books, and going out alone”

  1.   On secrets, books, and going out alone by The Philippines According to Blogs Says:

    [...] Lumabas akong mag-isa after ng aking Media Anthropology test kaninang hapon. It’s been a while since I last had a “self” time kasi kadalasan lumalabas ako with friends eh. Anyhow, bali kumain lang ako ng lunch sa school pagkatapos ng test ko, tapos eh pumunta na ako sa Winnipeg Art Gallery para puntahan ang installation ng PostSecret. I missed the book signing last January 17th, sayang. [link] [...]