| Subcribe via RSS

Graduation Blues

January 16th, 2008 Posted in Personal, University of Manitoba

I attended the career fair at the university today. At ako ay na-overwhelm. (Scripted yung photo, pero seryoso ako dito sa sinasabi ko dito, okay?)

Ganoon pala yung feeling nun. Wala pa man, pakiramdam ko, kailangan ko na talagang hawakang maigi ang buhay ko. Na dapat kailangan kong pag-isipang mabuti ang lahat ng desisyong gagawin ko. Hindi sa hindi ko alam ang gagawin ko, but I just find everything a bit too much for me.

I guess I’m forcing myself too much. Or maybe I’m the one making the problems. Smooth naman yung fair kanina, and I was able to submit a resume dun sa isang employer na gusto ko talaga yung job. Sana matanggap ako at may work na ako after this whole school thing.

Lately talaga kino-consider ko talaga kung tama (or dapat ko ba talagang i-pursue) yung goal na nasa unahan ng list ko. Either way, magiging masaya naman ako kahit ano ang trajectory ng plans ko, kasi plano ko naman pareho yun at magiging happy naman ako kahit alin sa dalawang career plans na gusto ko ang i-pursue ko. Hindi naman kasi ako kasing idealistic nang iba. Mas naniniwala akong dapat balance lang: masaya ako sa (future) work ko / ginagawa ko, and at the same time, kaya kong buhayin yung sarili ko.

Medyo nagkakaroon na rin ako ng concern tungkol sa age ko. Not because “tumatanda” na ako per se, but because I want to build my career para mas stable na ako in later life (para kung sakaling bigla kong maisipang magbago ng profession, at least naging fulfilled ako dun sa isa, but anyway I digress). Eh iniisip ko, saan ko ipapasok ang second degree or master’s dito? Kanina over dinner sabi nila Joann at Lem parang wala sa grand scheme of things nila yung boyfriend o asawa o anak. Which is… ewan, ako kasi alam ko gusto ko rin magkapamilya.

At sa totoo lang, nakakairita, kasi ayokong pinoproblema o iniisip masyado itong mga ito. I told myself hindi ako magkakaroon ng graduation blues or anything like it, pero tuwing naiisip kong bilang na ang araw ko bilang undergraduate, naglu-loom lang silang mga issues diyan sa tabi at nagsisimula na sila akong papakin.

Comments are closed.