| Subcribe via RSS

Mukhang tanga lang

October 26th, 2007 Posted in Society

Eto lang ang masasabi ko matapos kong mapanood sa balita at mabasa ang mga blog entries tungkol sa absolute pardon ng dating presidenteng si Estrada.

Mukhang tanga lang! Ano na naman kalokohang ito? Hindi ko na nga dapat iniisip dahil madami pa akong aasikasuhin dito, pero hindi ko ito puwedeng ipagsantabi. Masakit masyado sa ulo, at talaga lang dapat dikdikin ang taong nagpasimuno nito. May mga pinag-aralan naman, pero ginagamit naman sa katangahan at kagaguhan ang anumang natutunan nila. Sobrang dami nang naaksaya at nasayang: pera, oras at panahon. Sa huli, sinasampal pa rin sa ating mga mukha kung gaano kabaho at kadumi ang sistema natin. Ang masakit pa nito, hanggang ngayon ay nakalublob pa rin tayo sa sistemang ito. Hindi ko lang alam kung may balak pa tayong lahat na linisin ang kinalalagyan natin, o baka naman tulad din ng iba, magbubulag-bulagan at magbibingi-bingihan na lang.

Hindi pa nga natatapos yung balita sa pagsabog sa Glorietta, eto, dadagdag na naman.

Comments are closed.