| Subcribe via RSS

Pinakaligtas na paksa

August 7th, 2007 Posted in Personal, Society

Hindi ko alam kung paano ‘to nagwo-work sa ibang culture, pero pansin ko lang na dito, usually ang pinakaligtas na paksang puwedeng pag-usapan ay ang panahon/temperatura. Hindi ko pa napapansin ang aspetong ito sa Filipino context, pero kapag nasa trabaho kasi ako, kadalasan eh eto ang napapag-usapan namin ng kasama ko (hindi Pilipino ang tinutukoy kong kasama sa trabaho). Kung minsan pati customer eh.

Noong nag-aaral pa ako ng Elementary Japanese, isa sa mga tinurong greeting sa amin ay, 「いいお天気ですか?」 na ang ibig sabihin ay, “isn’t the weather great?”. Siyempre ang isasagot mo ay 「そうですね。」 kahit hindi naman maganda ang panahon. Isa daw itong paraan para makapagsimula ng conversation, which I think is also applicable to certain situations, regardless of one’s nationality. O baka ako lang ‘to.

Well, kung dito ka ba naman nakatira sa Winnipeg, aba, eh di na nakapagtatakang laman lagi ng usapan ang panahon (i.e. sobrang init, sobrang humid, sobrang lamig, sobrang dami ng snow, lahat na lang SOBRA). Pero di ba, ang odd pag-usapan ng panahon? Ewan ko ha. Parang ang dami-dami naman kasing puwedeng pag-usapan bakit weather pa. Kung gusto mo mag-start ng conversation, bakit hindi tungkol sa ibang bagay ‘di ba?

Sa akin ata, ang pinakaligtas na paksa na puwede kong gamitin para makipag-usap sa ibang tao ay walang iba kung hindi… eskuwela.

2 Responses to “Pinakaligtas na paksa”

  1. karen Says:

    i guess coz it’s that one thing that you and the person you’re talking to experience simultaneously.

    e di ba sa pilipinas din naman, lagi nating naririnig napag-uusapan kung gaano kainit? (or at least iyong mga kausap ko hehe)


  2. jaq Says:

    same for me, ung mga nakakachat ko from pinas, most of the time they start it with “umuulan dito” or “ang init sa pinas”. and its up to whether or not i reply ang usapan.

    and i agree, madalas, sa bank or sa cash registers, weather ang opening act ng usapan. like “isnt it nice outside” or “i dont know why i am inside with that pretty weather”.