Su-ki-da,
Su-ki-da, (好 き だ, | I Love You, 2005)
Director: Ishikawa Hiroshi
Hindi ko alam kung ilan sa inyo ang nakanood na ng love story na sobrang ganda ng cinematography, pero kung ako ang tatanungin, isasama ko sa listahan ang Su-ki-da, directed by Ishikawa Hiroshi.
Napakasimple at napakagasgas naman ng plot na ito: may gusto si Yu (Miyazaki Aoi) kay Yosuke (Eita) subalit ang gusto ni Yosuke ay ang nakatatandang kapatid ni Yu. Nagkahiwalay sila ng landas at nagkita sila by accident sa Tokyo.
Nakakainip ang pelikulang ito sa una, dahil wala masyadong dialogues between the characters. Napaka-mundane nga ng pinag-uusapan ng mga tao dito — especially between Yu and her older sister. Tuwing nagkikita naman si Yu at Yosuke sa floodbank, hindi naman sila masyadong nag-uusap din; pinapakinggan lang ni Yu ang pagtugtog ni Yosuke ng isang hindi pa tapos na awitin, gamit ang kanyang gitara. Pero this is what I like about this film. It managed to capture all the emotions that people in love (in this case, both by Yu and Yosuke) that cannot be expressed through words. Lahat nasa galaw ng tao, at ang iba pang damdamin, dinadaan na lang sa katahimikan.
Pero ang mas kinaganda pa ng palabas na ito ay ang cinematography. Tingin ko, nagsama yung elements of silence at saka ng nature para mas maganda ang impression sa mga nanonood; para mas maipahayag ang mga nangyayari sa pelikula kahit wala masyadong dialogues. Kahit iyong kanta ni Yosuke ay walang lyrics. I also love the transition from high school to adulthood, tapos tugma talaga iyong pagbabago ng artista (Yu now portrayed by Nagasaku Hiromi, and Yosuke by Nishijima Hidetoshi) kasi magkakamukha sila. Plus the fact na napaka-natural lang ng pagganap nila dito sa pelikula. I think the cinematography really nailed it for me. Ganda.
Technorati tags:
Su-ki-da,, Ishikawa Hiroshi
