| Subcribe via RSS

Heart’s day

February 14th, 2006 Posted in Entertainment, Personal

Eto ang natanggap ko ngayong Valentine’s day. Isa itong ceramic trinket box o jewelry case na bigay ng kaibigan kong si Cheree. Binigyan niya nga rin pala ang mommy ko ng ganito. Pumunta ako sa kanila kanina. Madalang lang kasi kami magkita kasi nagtatrabaho siya ngayon at sa Setyembre pa siya papasok sa U of M. Sana ay may pareho kaming schedule pagpasok namin. Pinakain niya rin ako ng Rebosado saka Empanada na may red bean (yung palaman sa Japanese food na taiyaki, para siyang munggo na matamis) sa loob. Nanood din kami ng mga music video ng mga J-Rock artists tulad ng Dir en Grey, Miyavi, Gazette at ng pinaka-astig na J-Rock artist sa balat ng Japan, ang X Japan.

Nanghiram din ako ng Japanese magazines na Non-no at Gothic Lolita, tapos hiniram ko kay Cheree ang kopya niya ng Initial D: First Stage na anime. Boring daw eh, pero tingnan ko din. Apart from that ay nanood lang kami ng Swing Girls tapos puro music videos at behind the scenes. Nabigyan din ako ni Cheree ng crash course sa J-Rock kasi wala naman akong kilalang ibang J-Rock na bands except L’arc~en~ciel at Orange Range. Di naman kasi ako nakikinig talaga ng mainstream Japanese music; usually puro kanta galing sa mga OSTs ng mga anime ang pinapakinggan ko at most of the time ay mga seiyuu (voice actors) ang kumakanta noon, so they’re not really popular kung music industry ang pag-uusapan.

Related links:
X Japan sa WikiPedia

Technorati Tags:
Valentine’s Day, Ceramics, Taiyaki, Empanada, Red Bean, Dir en Grey, Miyavi, Gazette, X Japan, J-Rock, Orange Range, L’Arc~en~ciel, Japan, Non-no, Gothic Lolita

Comments are closed.