Movie and Christmas shopping

Salamat at bakasyon na. Nakakainis nga lang kasi pinagsama lang nila ang sembreak at winter break, tapos para sa tulad kong ngayong linggo lang natapos ang mga pagsusulit ay dalawang linggo lang ang pahinga, tapos sa January 3, papasok na naman ako. Panibagong pangangarir. Magbabagong-buhay na talaga ako sa susunod na taon. I wish.
Kanina ay tumawag si Cheree at niyakag akong manood ng sine. Pagdating niya dito ay nag-abala pa siya at nagdala ng biscuits! Sabi ko ba’t pa siya nagdala, nakakahiya naman. Quits naman kami kasi binigay ko na sa kanya ang aking belated birthday gift na isang pares ng hikaw galing Pilipinas (pinabili ko sa nanay ko).
Kasama nga pala namin ang ate niya na si Ate Wendy. Pumunta kaming Silver City tapos nanood na kami ng Chronicles of Narnia. Ang haba pala noon, 3:30 kami nanood tapos pasado 6:00 na ng gabi natapos ang pelikula. Pumunta na kaming Polo Park pagkatapos. Ang masasabi ko lang: ANG DAMING TAO. Nasakal kami ni Cheree sa sobrang sikip. Madami ring sale, palibhasa nga ay holiday season. Si Ate Wendy ay naghanap ng pangregalo samantalang ako naman ay namili ng sapatos at damit. Sa wakas ay nakabili na rin ako ng sarili kong Chuck Taylors sa Foot Locker at apat na vintage shirts sa Bluenotes. Mayroon nga pala akong nabiling pink na The Beatles shirt, hehe. Asteg.
Nakakainis ding mamili kapag malapit na ang Pasko. Ang dami-daming tao, tapos yung ibang tao, paharang-harang sa daan! Actually kahit naman hindi Pasko, nakakairita talaga yung mga taong nakabalandra lang sa daanan na parang kanila yung mall. Ang bagal pa maglakad. Medyo naiirita rin ako kapag may mga babies sa mall. Pakiramdam ko hassle talagang magdala ng baby kapag masyadong matao ang lugar. Siguro wala lang talagang mag-aalaga sa mga anak nila kaya nagkalat din ang stroller sa mall.
Punta kami ni Jaq sa school bukas, puwede na raw kasi ma-claim yung bursary. Kapag nagkataon puwede na kaming mamili ni Jaq sa hapon pagkatapos ideposit ang cheke sa bangko, yehehe. Makakabili na ko ng panregalo. ![]()
