| Subcribe via RSS

Chronicles of Narnia

December 20th, 2005 Posted in Books

Ikukuwento ko lang saglit ang impression ko sa ikalawang kuwento ng Chronicles of Narnia na The Lion, The Witch, and The Wardrobe. Pinanood ko na kasi ang pelikula kanina. Oo nga pala, kumpleto ko ang nasabing libro kasi yung adult edition (complete 7 books) ang kopya ko ng Narnia.

Naliligaw na ako. Maganda yung kuwento. Gusto ko ang characters, gusto ko ang pagiging masama ng witch. Nakita ko rin iyong ilang parts ng story na kapareho ng turo sa Catholic faith, example, ang betrayal ni Edmund saka ni Judas, ang prophecy sa apat na pagkakapatid saka ang second coming ni Christ. Hindi ko pa nababasa ang ilang stories sa Narnia kasi kanina ko lang binasa para ready ako sa panonood ng film.

Hindi sa hindi ko na-appreciate ang libro nang lubusan, pero sa tingin ko kailangan ko ulit basahin para mas ma-enjoy ako. Mamayang konti naman ang entry ko tungkol sa film, maliligo muna ako.

Comments are closed.