Chronicles of Narnia: The Lion, The Witch, and the Wardrobe
Chronicles of Narnia: The Lion, The Witch, and the Wardrobe (2005)
Ayan, hehe. Sorry if this is going to be a spoiler both for the book and the film. Anyway, wala akong masyadong ipipintas sa film na ito kasi sinunod naman nilang maigi ang kuwento. Kung tutuusin ang napansin kong binago lang nila ay iyong paano nakapasok ang apat na bata sa loob ng aparador. Maliban doon ay halos wala namang alteration. Ang problema ko lang talaga ay iyong ilang actors at saka iyong ibang eksena. Sa mga actors, sa totoo lang hindi ko nagustuhan ang pagkakaganap kina Lucy, Susan and Peter (although cute si Peter, hehe). Iyong gumanap na Edmund ay okay naman kasi naasar ako sa kanya sa pelikula, kasi nga siya iyong medyo salbahe doon. Pero iyong tatlo talaga, hindi ko alam. Parang wala silang masyadong emosyon. On the other hand, I love Tilda Swinton’s performance as the White Witch. Bagay sa kanya ang character, galing niya lalo na sa battle scene. I also love the beavers! Mas natuwa ako sa kanila kumpara sa mga bata.
Iyong isa kong “peeve” ay iyong ibang scenes na parang di malinis ang pagkakaedit. Hindi ko maipapaliwanag nang maayos, pero iyong kapag nanonood ka ng pelikula tapos may eksena kung saan nasa mataas na lugar ang mga bida? Tapos ilalapit ang camera, tapos makikita mo na parang iba ang texture ng background kumpara ng itsura mismo ng mga tao. Mga ganoon. Kasi kung CG lang iyon, dapat very smooth at hindi mo mahahalatang computerized. Pampalubag loob naman ang mga creatures kasi ang ganda ng pagkakadesign sa kanila, parang totoo. Aslan’s character is very endearing despite sa kanyang nature. Kaya lang yung buhok niya parang buhok ni Cloud Strife sa Advent Children, tipong kahit anong gawin mo ay parang hindi magugulo. Sabi ni Cheree baka nag-Mane ‘N Tail daw si Aslan, hehe.
Anyway, personal comment lang ito, pero masyado akong nadisturbed sa relationship ni Lucy at saka ng Faun. Parang… err. Basta. Ako lang siguro ito. Over-all, entertaining ang Chronicles of Narnia, nagustuhan ko naman. I think mas okay kung gagawan pa nila ng movie versions ang ibang books ng nasabing series. ![]()

December 21st, 2005 at 9:48 am
Merry Christmas