| Subcribe via RSS

Kepeng

December 17th, 2005 Posted in Food

Narinig niyo na ba ang “kepeng”?

Hindi ko alam kung local food ito sa Cavite. Pero dahil hindi naman ako palagala talaga, sa pagkakaalam ko sa Cavite lang mahahanap itong pagkaing ito. Mga parihabang biskotso ang kepeng, tapos may matigas na asukal na pula sa ibabaw. Noong bata ako, ang jingle ng pagkaing ito ay, “masarap, malutong, matamis… KEPENG!” Turo yan ng tiyuhin kong malakas mang-trip.

Itong kepeng na ito ay dala ng nanay ko galing Pilipinas. Oo nga pala, kung hindi ito local sa Cavite, pakisabi na lang kung saang lugar pa ito makikita/mabibili.

3 Responses to “Kepeng”

  1. blueskies Says:

    yan ba yung pag kinagat mo eh nag cru-crumble? hehe. kaso nga lang hindi ko rin alam kung saang lugar nakakabili niyan kasi di ko rin alam na kepeng pala ang tawag dyan.

    Angela:
    Hindi ko napapansin kung nagkacrumble pag kinagat, siyempre ang utak ko nasa pagkain lang talaga :lol:

    Sige may naisip ako :idea: kakagatin ko tapos titingnan ko kung makalat, hehehe. Sabay kanta ng “masarap, malutong, matamis… KEPENG! Hehe ang lame ko.


  2. sky Says:

    may nabibili rin kaming ganyan dito sa laguna, pero hindi kepeng ang tawag namin. teka, tanungin ko mamaya sa cafeteria namin kung meron at kung anong tawag.

    Angela:
    Pakita mo yung picture, haha!


  3. Victor Says:

    mukhang fried tokwa :p

    Angela:
    Hindi pa ako nakakakain niyan, wehehe. Masarap ba ‘yon?