| Subcribe via RSS

Hindi Nakakatuwa Ang Snow

December 31st, 2004 Posted in Winnipeg

Ginising ako ng nanay ko bandang alas-8 ng umaga. May misyon daw kaming dapat gawin. Akala ko kung ano, magpapala pala kami ng yelo.

Noong lumabas ako ng bahay, nagulat ako. Grabe ang regalo ni 2004 sa amin. Sabi ng nanay ko galit na raw ang Diyos kaya raw abnormal ang panahon ngayon.

Hanggang tuhod ang yelo sa lugar namin; medyo huli na noong napansin ko ang malalaking trak na nag-aalis ng yelo sa pangunahing daan. Yung CRV namin, nakakaawa, parang tinubuan ng tigdas dahil sa ilalim ng snow eh may mga malalaking yelong nanigas na sa ibabaw ng kotse. Pinala namin yung daanan sa labas, hanggang sa makarating kami sa backlane para alisin ang yelo sa bandang gulong ng sasakyan. Aalis yata sina nanay mamaya para bumili ng prutas.

Hindi ko alam kung kailan pa ito matutunaw. Buti nga wala kaming pasok, pero paano na sa susunod na linggo? Tiyak mahihirapan kaming lahat. Yung tatay ko mahihirapan ding magmaneho dahil kapag nawala na yung gabundok na snow eh nakadikit naman sa kalye yung yelong madulas.

Lahat kami nakaramdam ng hapdi pagkatapos naming magpala. Pumasok na kami sa loob ng bahay bago pa kami magkafrostbite. Grabe, pati sipon ko nanigas, parang yelo sa kisame ng kuweba. Hehe.

One Response to “Hindi Nakakatuwa Ang Snow”

  1. Victor Says:

    ang lamig lamig lamig naman siguro dyan!!


  • Twittering

      `
      • enjoying a cup of Ceylon Tea with milk. あ~。いい気持ちです~ 1 day ago
      • ARGH. Why is "Wagaya no Oinari-sama" licensed already?! Eh Spring Anime '08 to ah! 2 days ago
      • PUYATAN NA TO! Yakushiji Ryōko no Kaiki Jikenbo tsaka Natsume Yuujinchou Anime Marathon! 2 days ago
      • gaaa. need to control my nervousness. 3 days ago
      • 8 days na lang! 3 days ago
      • 11 days na lang! 4 days ago
      • pag nagpakasal ang isang guy sa isang girl, tapos gusto ibenta ni guy yung property, kelangan ba pipirma yung mga anak nya? O____O 5 days ago
      • I think Friendster Bulletin doesn't work 85% of the time. Esp. when you really need to use it for impt. announcements. 5 days ago
      • spent the day driving, eating, downloading jdramas and watching Kizaratsu Cat's Eye. 5 days ago
      • is done preparing her stuff for the shoot. sana magising ako maaga -_-; 1 week ago
      • More updates...

      Posting tweet...

      Powered by Twitter Tools.

      `

  • Shoutbox

  • Meta

  • Nomination

  • Stats