Battle Royale 1 & 2, And I Hate You So
Next week hindi na ako makakanood masyado ng DVDs kasi pasukan na eh. Dapat samantalahin ang pagkakataon.
Battle Royale (2000)
Very, very disturbing film. Kung naghahanap kayo ng madugo at maaksiyong pelikula na hindi ninyo makakalimutan, panoorin niyo ito. Ang Battle Royale ay based sa libro ni Koushun Takami, at ginawa na rin ito ng manga version. Tungkol ito sa 42 estudyanteng napili ng gobyerno ng Japan bilang panibagong grupong ipapadala sa isang abandonadong isla. Sa loob ng tatlong araw ay dapat mapatay ang nila ang isa’t isa, hanggang sa isa na lang ang matira at manalo. Twisted, hindi po ba? Hindi rin sila basta-basta makakatakas dahil may nakakabit sa kanilang electronic necklace. Sa oras na tangkain nilang tumakas o tanggalin ang kuwintas na ito — sasabog ito at patay sila.
Nagustuhan ko ang buong kuwento, kaya lang hindi ko matagalan ang dugo. Napuputol ang mga eksena ng patayan kapag nagpo-focus ang kuwento sa emosyon ng indibidwal na estudyante. Kung tutuusin, kaunti lang sa mga ito ang nabigyan ng focus. Disturbing at thought-provoking na pelikula. Sana makakain pa kayo pagkatapos niyo itong panoorin. Rating: 3 out of 5
Battle Royale II: Requiem (2003)
Ito ang sequel ng BR, pinamagatang Battle Royale II: Requiem. Nabasa ko sa isang review sa IMDB na pangit ang sequel na ito, pero para sa akin nagustuhan ko ito because it has less gore, more fighting scenes. As a sequel, nirevise ng government ang Battle Royale Act at ginawa itong BR II. Sa pagkakataong ito, si Nanahara, ang isa sa nakaligtas sa Battle Royale (film), ay tinatag ang Wild Seven, isang rebeldeng grupo na balak patumbahin ang gobyerno at ang BR act. Ang nangyari ay kumuha ulit ang gobyerno ng panibagong 42 estudyante bilang kasali sa Battle Royale, pero this time, kailangan nilang hanapin at patayin si Nanahara.
May mga eksenang parallel sa unang pelikula, pati na ang mga tauhan. Tulad rin ng dati, ilan lang sa mga tauhan ang binigyang pansin pagdating sa emosyon. Sa unang bahagi palang ng pelikula ay 20 na ang naubos sa original na bilang na 42. Hindi rin sila naka-school uniform tulad ng mga estudyante sa unang pelikula.
May isa pang theme ang pelikulang ito — ang tungkol sa kapayapaan. Terrorists na kasi si Nanahara at ang iba pang nadamay at dating kalahok ng mga naunang Battle Royale, kaya may political tone ang nasabing pelikula. Tulad nga ng sinabi ko, less gore is better for me. Rating 3.5 out of 5
And I Hate You So (2000)
A feel-good Chinese film tungkol sa isang ’self-absorbed’ columnist na si Luna Ng (Kelly Chen) at Cheung (Aaron Kwok), isa ring makasariling DJ. Nagsimula silang mag-away dahil sa isang lumang plaka sa isang junk shop. Dahil sa pag-aaway na ito ay nagsimula silang tirahin ang isa’t isa: si Luna sa kanyang column at si Cheung naman sa kanyang radio program. Typical love story: nag-aaway parang aso’t pusa pero sa huli may pagtingin rin pala sa isa’t isa.
Hindi ito tulad ng pangkaraniwang love story na pinapakilig ka lang at hindi ka pag-iisipin (gusto ko sanang gawing example yung Bcuz of U kaya lang di ko pa napapanood). Ang arguments nila sa bawat isa ay laging may kasamang metaphor kaya naman mapapaisip ka talaga kung anong klaseng pasaring ang binibigay nila sa isa’t isa. Ang downfall lang ng kuwentong ito ay hindi ko agad nalaman kung saang bahagi ng pelikula nagkaroon ng realization ang dalawang pangunahing tauhan — kung kailan nila nalamang may pagtingin sila sa isa’t isa. Naaliw naman ako sa pelikulang ito. Maganda rin yung mga kanta, puro kasi luma. Rating: 3 .5 out of 5

December 29th, 2004 at 11:21 pm
happy new year angela!
December 29th, 2004 at 11:47 pm
parang naked weapon pala yung battle royale. di ko pa napapanood yang battle royale pero napaka-astig tlg nung naked weapon. ganun din yun. pero mga babae ang kasali at hindi sila mga estudyante. in-abduct sila as young kids then ittrain sila sa isang isla nung babae na nagpadakip sa kanila at ittrain sila to become assassins. 10 years or so after, ang final challenge sa kanila e magpapatayan sila. 1 lang dapat matira. pero 3 silang natira kasi natuwa yung leader sa kanilang 3. then may isa pang final test, ipapa-rape sila sa mga bruskong mama. hahaha.
wala lang, wento lang. o siya sige, enjoy mo na DVD marathon mo. oo nga malapit na magpasukan. kailangang abusuhin na ang mga pagkakataong ‘to!
December 30th, 2004 at 7:34 am
Wehehehe!… BAttle Royale… mejo nag-enjoy ako run… puro gore kasi!!! Hehehehe! Saya!