Vanilla Sky, Dead Poets Society
Vanilla Sky (2001)
Akala ko subtle lang ang pelikulang ito kasi ang ganda ng pamagat eh. Ito ang Hollywood remake ng 1997 Spanish film Abre Los Ojos. Kasama rin sa naunang pelikula si Penelope Cruz at iisa lang ang tauhang ginampanan niya sa parehong pelikula. Tungkol ito sa isang publishing tycoon (Tom Cruise) at ang kanyang kakaibang karanasan matapos ang aksidente kasama ang kanyang lover (Cameron Diaz). Sabi ni Sedricke noong nabanggit kong papanoorin ko ito ay dapat makinig akong mabuti sa pelikulang ito dahil medyo nakakalito. Nakinig naman ako at madami akong nakuhang magagandang linya.
Overall, nakakalito nga ang pelikulang ito. Hindi ko rin ma-distinguish kung drama o science fiction ang genre ng Vanilla Sky. Naintindihan ko naman (kahit paano) ang pelikula, pero dahil nakakalito talaga, hindi ko na-appreciate ang kabuuan ng kuwento. Hindi ko alam kung ano ang totoo at hindi, parang paikot-ikot lang. Magaling ang mga tauhan, saka maganda yung mga kanta. Pero parang may kulang. Rating: 2.5 out of 5
Dead Poets Society (1989)
Noon ko pa naririnig itong pelikulang ito pero hindi ko alam na ganito pala ito kaganda. Tungkol ito sa pagpasok ng isang English teacher (Robin Williams) sa isang prep school at ang naging dahilan ng pagbabago ng buhay ng karamihan sa mga estudyante. Kung alam ninyo ang “Carpe Diem”, ang Latin phrase na ito ang isa sa pinaka-kilalang linya ng nasabing pelikula.
I find the opening parts of the film much like The Browning Version, pero magkaiba naman kasi ang kuwento. Parehong sa prep school ang setting ng pelikula, kaya naalala ko lang.
Sa ibang anggulo, puwedeng sabihing parang Deux ex Machina ang naging papel ni Williams; ang pinagkaiba nga lang ay sa mga estudyante rin mismo nanggaling kung paano nila bibigyang kasagutan ang mga problema nila. Kung tutuusin, hindi naman malaki ang role ni Williams dito, mas maraming exposure ang mga batang estudyante (i.e. Ethan Hawke). Gusto ko ang paraan ng pagtuturong ipinakita ni Robin Williams, naiyak pa ako sa huling bahagi ng pelikula. Maganda talaga. Rating: 5 out of 5

December 29th, 2004 at 1:41 am
maganda nga ung kanta sa Vanilla Sky. ang alam ko e na-nom un sa Oscars for Best Song. d lang ako sure.
December 29th, 2004 at 6:40 am
hi! thanks for dropping by my site. i thought i was bad…mukhang mas malala ka in terms of watching movies hehe.
i hope if you don’t mind if i add you to my blogroll. (and thanks for leading me to sedricke’s site. that’s a nice one too.)
December 29th, 2004 at 7:05 am
napakaganda ng pelikulang ‘dead poets soceity.’ — love ko yan. ehehe.
December 29th, 2004 at 9:28 am
nag-film viewing kami sa Literature namin last sem, Dead Poets Society ang pinapanood samin. Ang ganda, kaya lang ini-skip namin yung mga nonsignificant scenese kasi sabi ni ma’am e kapos kami sa oras. pero in the end may sobra pa ring time. pero ok lang. naintindihan pa rin naman namin. and ni-narrate naman niya kung ano yung nalagpasan namin. maganda talaga. i think lahat naman ng movie na kasali si Robin Williams e maganda. he’s a very good actor kasi.
December 29th, 2004 at 12:58 pm
ayaw rin ni ate ang movie na Vanilla Sky. ewan ko, hindi niya trip eh. pero kahit na ilang beses ipalabas yan sa HBO hindi ko pa rin napapanood. eep. >.>
December 29th, 2004 at 1:51 pm
Sedricke, nagulat nga ako nung pinatugtog yung ‘Last Goodbye’ ni Jeff Buckley. Haha!
Kuya Mark, kung movies lang ang pag-uusapan, walang-wala ako kina Sedricke at Drei. Linked you back, salamat rin.
Ate Lek, naiyak nga ako sa huling part ng film eh. ‘Oh Captain, My Captain!’
Mike, I’m not a fan of Robin Williams (wala naman kasi akong paboritong actor/actress), pero para sa akin, mas bida ang mga estudyante kaysa kay Williams. Napansin ko rin na yung mga estudyante, iba-iba ang interpretation nila ng ‘Carpe Diem’, kaya nagkaroon ng conflict sa pagitan nila, pati mga endeavors nila.
Vanya, may isa akong friend sa UP dati, Vanilla Sky yung pinapanood sa kanila sa Philo1 class. Hehe.
December 29th, 2004 at 10:14 pm
kasama yang dalawang yan sa top uh.. 50 peborit films ko.