| Subcribe via RSS

Crouching Tiger Hidden Dragon, Ninja Scroll

December 27th, 2004 Posted in Anime, Entertainment, Japanese Pop Culture, Movies

I’m supposed to watch Vanilla Sky today but something came up at nawalan ako ng gana manood. I’ll probably watch it tomorrow then to be followed by Dead Poets Society. For now, more Asian movies, courtesy of Cheree.

Wo Hu Cang Long (2000)
Remarkable and amazing film. Hindi na ako magtataka kung nakakuha ang Crouching Tiger Hidden Dragon ng 10 Oscar nominations at 4 dito ang napanalunan nila. And I thought Zhang Ziyi was so damn good in House of Flying Daggers pero mas magaling siya sa pelikulang ito! Nagsisisi ako bakit hindi ko ito napanood dati. Tungkol ito sa dalawang magaing na mandirigma (Yeoh at Fat) at ang kanilang ‘pakikibaka’ para maibalik ang ninakaw na espada ni Fat, at kasama na rin ang pagtatago nila ng kanilang damdamin sa isa’t isa. Yikes, may love element. Pero ok lang, tolerable.

A few days ago I saw Flying Daggers and I cannot help but compare these two films. Both have their advantages and disadvantages, depende sa kung anggulo mo titingnan. Mas gusto ko ang effects ng Flying Daggers, but CTHD’s fighting sequences are awesome. May isang scene din sa Flying Dagger na parang kapareho ng Crouching Tiger, pero di ko na sasabihin at panoorin niyo na lang. Rating: 4.7 out of 5

Jubei Ninpucho (1995)
Kapag anime films ang pinag-uusapan, hindi maaaring mawala sa kuwentuhan ang Ninja Scroll. Sabi kasi ni Che, itong pelikulang ito eh kakaiba dahil ilan lang ito sa mga animation na napanood niya na mukha daw talagang hapon ang mga karakter, partikular na ang hugis ng kanilang mga mata. Ako naman, dahil curious (alam ko kasi R18 yata ito), pinanood ko. Tungkol ito sa isang pagala-galang mersenaryong ninja na si Jubei na nadawit sa paglutas sa pagkamatay ng mga tao sa isang maliit na baryo.

Kung gore are pag-uusapan, matindi ito. Pinakita talagang nagtutuluan ang mga dugo at nagpuputulang bahagi ng katawan: ulo, braso, upper torso, atbp. Kung maseselang eksena rin naman, meron din, pero shadow lang yung pinakamatinding eksena. Pero kung ang madaming tao ay namamangha sa pelikulang ito, well, ako, nadismaya. Sa unang pagkakataon nadismaya ako sa isang anime film.

Malinis ang pagkakaguhit, pero ang Ninja Scroll ay ‘not my cup of tea’, kumbaga. Hindi ako ang tipong naaaliw sa mga nagpuputulang body parts na dinagdagan ng element ng sex. Kadiri. Kaya nawalan ako ng gana manood ng Vanilla Sky. Nakakairita ang pelikulang ito. Rating: 1 out of 5

One Response to “Crouching Tiger Hidden Dragon, Ninja Scroll”

  1. bryan Says:

    mas maganda yung Abre Los Ojos (Open Your Eyes) kaysa Hollywood-version na Vanilla Sky. sa Abre kasi, kuhang-kuha nya ang emotions nang di masyado ma-dialogue. maka-Penelope Cruz kasi ako e. he he.

    pero for comparison’s sake, sige panoorin mo Vanilla Sky.