Spirited Away, House of Flying Daggers, My Lucky Star
Sen To Chihiro no Kamikakushi (2001)
Dapat hindi ko na ikukuwento kung ano ang tingin ko sa Spirited Away kasi nakuwento na nina Vic at Sedricke ang puwedeng maikuwento tungkol sa animated film na ito. Kung sinasabi ni Sed na ‘weirdly good’ ang palabas na ito, ang masasabi ko lang, huwag na kayong magtaka. Tungkol ito sa isang whinny 10-year old na bata na si Chihiro na natagpuan ang sarili niyang nasa mundo ng mga espiritu at nag-ibang anyo ang kanyang mga magulang. Kailangan niyang sagipin ang kanyang magulang, pero kailangan din niyang matutunan ang ilang leksiyon sa buhay.
Typical Japanese Anime film, pero may twist. Maganda, medyo mahaba nga lang, so medyo dragging ang ibang bahagi ng pelikula. Pero sa palagay ko kasama yun talaga sa development ng kabuuan ng kuwento. Rating: 4 out of 5
Shi Mian Mai Fu (2004)
Ang hirap hanapin ng poster na ‘to. Ginaya ko talaga kung ano yung nakalagay sa DVD ni Cheree eh. Anyway, sumakit ang ulo ko sa House of Flying Daggers. Masyado akong naoverwhelm sa effects eh, lalo na yung eksena sa may mga kawayan. Pero hindi muna ako magkukumpara kasi bukas ko pa papanoorin yung Crouching Tiger, Hidden Dragon. Tungkol ito sa dalawang kapitan (Andy Lao and Takeshi Kaneshiro) na nagsisilbi sa gobyerno. Nalaman nilang ang isa sa mananayaw sa isang pavillion ay anak ng yumaong pinuno ng House of Flying Daggers — isang grupong nagbabalak na patumbahin ang corrupt na gobyerno. Nahuli nila ang mananayaw (Zhang Ziyi) at gumawa sila ng ‘act’ para malaman nila ang lugar na pinagtataguan ng nasabing ‘rebeldeng’ grupo. May love story ring kasama ang nasabing pelikula, pero hindi ako masyadong naging interesado sa ’side story’ na ito.
May mga napuna lang ako sa pelikulang ito: may isang character sa film na dapat namatay na pero hindi kaagad siya namatay — bumangon pa ng isa o dalawang beses. Medyo natawa ako doon, sa halip na seryoso dapat yung atmosphere ng eksena. Na-gets ko lang kung bakit di namatay noong malapit nang matapos ang eksena. Maganda ang visuals, in general. Maliban sa napansin ko ay medyo hindi ko nagets iyong isang bahagi ng eksena sa bandang huli ng pelikula kasi parang putol.
Magconcentrate kayo sa eksenang ito: Echo Dance at Bamboo scene. Diyan sumakit ang ulo ko dahil sa sobrang ganda.
Saka parang ang weird kasi may Hapon (Takeshi Kaneshiro) sa pelikulang ito — parang yung Memoirs of a Geisha; pang-hapon yung pelikula pero Intsik ang lead actors. Rating: 4.5 out of 5
My Lucky Star (2003)
Noon ko pa napanood itong My Lucky Star — sa loob ng flight ko sa Cathay Pacific. Hehe. Ikuwento ko lang kasi nakakatuwa itong pelikulang ito. Tungkol ito kay Yip (Miriam Yeung), isang babaeng laging minamalas. Inisip niyang ang isang Feng Shui expert (Tony Leung) ang makakatulong sa kanya na alisin ang bad luck sa buhay niya. So basically ang kuwento ay tungkol sa paano nila inalis yung kamalasan ni Yip, tapos ano yung mga nangyari pagkatapos.
Hindi ito horror film — romantic comedy po itong pelikulang ito at natuwa ako sa kuwento. Tingin kayo sa suki niyong nagbebenta ng DVD, baka meron sila nito. Aliw kasing panoorin. Rating: 4 out of 5

December 26th, 2004 at 9:49 pm
i stand by my word. weirdly good talaga. hehe.
natawa ako sa sinabi mong nde horror ung My Lucky Star a. sino nga namang magpapangalan ng My Lucky Star sa isang horror film. hehehe. Star Cinema kasi, binigyan ng ibang kahulugan ang Feng Shui. hehe.
December 27th, 2004 at 2:00 pm
i’ve watched spiritied away and flying daggers na…cool films. never heard of the last one.
December 27th, 2004 at 10:50 pm
Sed, I wasn’t pertaining to Feng Shui. I mean, iniisip ko kasi na baka yung pagkakabigay ko ng synopsis, iba ang isipin nilang genre ng My Lucky Star.
But now that you mentioned it, hehe.
Nikka, The last one isn’t dubbed in English. Like what I said sa Cathay Pacific ko napanood; paulit-ulit kasi yung Return to Neverland eh.