Hindi Nakakatuwa Ang Snow
Ginising ako ng nanay ko bandang alas-8 ng umaga. May misyon daw kaming dapat gawin. Akala ko kung ano, magpapala pala kami ng yelo.
Noong lumabas ako ng bahay, nagulat ako. Grabe ang regalo ni 2004 sa amin. Sabi ng nanay ko galit na raw ang Diyos kaya raw abnormal ang panahon ngayon.
Hanggang tuhod ang yelo sa lugar namin; medyo huli na noong napansin ko ang malalaking trak na nag-aalis ng yelo sa pangunahing daan. Yung CRV namin, nakakaawa, parang tinubuan ng tigdas dahil sa ilalim ng snow eh may mga malalaking yelong nanigas na sa ibabaw ng kotse. Pinala namin yung daanan sa labas, hanggang sa makarating kami sa backlane para alisin ang yelo sa bandang gulong ng sasakyan. Aalis yata sina nanay mamaya para bumili ng prutas.
Hindi ko alam kung kailan pa ito matutunaw. Buti nga wala kaming pasok, pero paano na sa susunod na linggo? Tiyak mahihirapan kaming lahat. Yung tatay ko mahihirapan ding magmaneho dahil kapag nawala na yung gabundok na snow eh nakadikit naman sa kalye yung yelong madulas.
Lahat kami nakaramdam ng hapdi pagkatapos naming magpala. Pumasok na kami sa loob ng bahay bago pa kami magkafrostbite. Grabe, pati sipon ko nanigas, parang yelo sa kisame ng kuweba. Hehe.
Very, very disturbing film. Kung naghahanap kayo ng madugo at maaksiyong pelikula na hindi ninyo makakalimutan, panoorin niyo ito. Ang
Akala ko subtle lang ang pelikulang ito kasi ang ganda ng pamagat eh. Ito ang Hollywood remake ng 1997 Spanish film
Remarkable and amazing film. Hindi na ako magtataka kung nakakuha ang
Dapat hindi ko na ikukuwento kung ano ang tingin ko sa
This is my second Christmas here in Winnipeg. So far there aren’t any changes compared to last year, except for the following:
If you’re curious how we spent our holidays,