Wednesday, May 26th, 2004
Nakasanayan ko nang bumaba ng maaga galing sa apartment unit namin para kunin ang diyaryo sa vending machine. Hindi naman kasi katulad ng ibang lugar na mayroong delivery boy na nagdadala ng diyaryo, dito eh haytetch, este, high-tech. Di-pihit ang pagkuha ng diyaryo. Hindi rin katulad sa Pilipinas na mayroong bilihan sa diyaryo sa malapit [...]
Tuesday, July 1st, 2003
Mahilig akong maglaro sa may damuhan malapit sa tinitirhan naming kubo. Kapag hapon, mag-isa akong aakyat sa isang mataas na bahagi ng parang at doon nanamnamin ang malamig na dampi ng hangin. Tila hinahagkan nito ang aking pisngi at hinahaplos ang aking buhok. Dinarama ko ang katahimikang naghahari noong hapong iyon. Mapayapa, oo, subalit gulung-gulo [...]
Thursday, August 1st, 2002
Hindi sinadya ang pagkakakilala natin. O maaari nga, hindi ko rin masasabi. Basta ang alam ko, naging malaking tulong ka sa unti-unti kong pag-ahon sa madilim na lugar at sa putikang kinasasadlakan ko nang mga panahong iyon.
Ang mga alaalang iyon ang nagbibigay sa akin ng damdaming pinaghalong pait, kasiyahan, pagsisisi, at pagkatakot. Minsa’y nagdalawang isip [...]
Saturday, June 1st, 2002
I was on my way to the mall to meet a friend when I passed by the Aguinaldo house here in Cavite, Southern Tagalog Region in southern Luzon. It reminded me not only that school’s up [and my mom's coming back from abroad, so I'm restricted once more], but also that the celebration of the [...]
Wednesday, May 1st, 2002
Alalahanin mo kapag ako ay nawala,
lumayo na’t iiwan ka nang mag-isa,
ang mga sandaling ating pinagsamahan,
huwag mo sanang kalimutan, kahit kailan.
Kapag ang langit ay lumuha’t nagluksa,
isipin mo sanang bukas ay may bagong pag-asa,
kapag ang mga bitui’y hindi na kumislap,
tandaan mong ang buhay na ito’y di puno ng paghihirap.
Ikaw’y babangon pa rin sa kabila ng pighati,
hindi ito [...]
Wednesday, December 26th, 2001
Ala singko ng madaling araw at naghihintay ng susunod na biyahe ng bus. Namputsa, gago talaga yung pinsan ko at hinayaan akong magbiyahe mag-isa dahil na-sprain ang paa niya kakaporma sa larong basketball. Hindi tuloy niya ako masasamahan. Tanga talaga. Dyahe man, nagtiyaga na lang ako kaysa naman hindi matuloy itong lakad ko. Kahit nag-iisa [...]
Tuesday, July 3rd, 2001
MARIRINIG ang mahinang ugong ng electric fan sa katabing tokador at maaaninag ang sinag ng buwan sa bintana. Mainit ang panahon, at sa loob niya’y may kung anong nais kumawala sa kinalalagyan nito. Ilang maaalab na mga sandali ang namamagitan sa kanya at sa kanyang kaniig. Ramdam niya ang bawat kilos nito, sa kabila ng [...]
Thursday, May 3rd, 2001
Malandi raw ako. Malimit umaalingawngaw sa aking pandinig ang mga ganitong panlilibak sa tuwing daraan ako sa isang pangkaraniwang kalye paglabas ng bahay namin. Maarte. Bastusin. Pok-pok. Sa umpisa hindi ko pinapansin ang mga sinasabi nila. Para sa akin, wala silang karapatang sabihan ako ng ganoon. Hindi nila ako pinapalamon. Hindi nila ako binibihisan. At [...]