Archive for the ‘Stories’ Category

Sa Iyong Pagbabalik

Mahilig akong maglaro sa may damuhan malapit sa tinitirhan naming kubo. Kapag hapon, mag-isa akong aakyat sa isang mataas na bahagi ng parang at doon nanamnamin ang malamig na dampi ng hangin. Tila hinahagkan nito ang aking pisngi at hinahaplos ang aking buhok. Dinarama ko ang katahimikang naghahari noong hapong iyon. Mapayapa, oo, subalit gulung-gulo [...]

Salamat

Hindi sinadya ang pagkakakilala natin. O maaari nga, hindi ko rin masasabi. Basta ang alam ko, naging malaking tulong ka sa unti-unti kong pag-ahon sa madilim na lugar at sa putikang kinasasadlakan ko nang mga panahong iyon. Ang mga alaalang iyon ang nagbibigay sa akin ng damdaming pinaghalong pait, kasiyahan, pagsisisi, at pagkatakot. Minsa’y nagdalawang [...]

Biyaheng ‘Gapo

Ala singko ng madaling araw at naghihintay ng susunod na biyahe ng bus. Namputsa, gago talaga yung pinsan ko at hinayaan akong magbiyahe mag-isa dahil na-sprain ang paa niya kakaporma sa larong basketball. Hindi tuloy niya ako masasamahan. Tanga talaga. Dyahe man, nagtiyaga na lang ako kaysa naman hindi matuloy itong lakad ko. Kahit nag-iisa [...]

Piraso

MARIRINIG ang mahinang ugong ng electric fan sa katabing tokador at maaaninag ang sinag ng buwan sa bintana. Mainit ang panahon, at sa loob niya’y may kung anong nais kumawala sa kinalalagyan nito. Ilang maaalab na mga sandali ang namamagitan sa kanya at sa kanyang kaniig. Ramdam niya ang bawat kilos nito, sa kabila ng [...]

Oras ng Paglaya

Malandi raw ako. Malimit umaalingawngaw sa aking pandinig ang mga ganitong panlilibak sa tuwing daraan ako sa isang pangkaraniwang kalye paglabas ng bahay namin. Maarte. Bastusin. Pok-pok. Sa umpisa hindi ko pinapansin ang mga sinasabi nila. Para sa akin, wala silang karapatang sabihan ako ng ganoon. Hindi nila ako pinapalamon. Hindi nila ako binibihisan. At [...]