Archive for the ‘Stories’ Category

Tabula Rasa

I stared at my blank notebook, which was not really supposed to be empty. I was trying to weave out words, string them together and make coherent sentences. About what? About what I think right now. About what I feel right now. Unfortunately, I feel that I am lacking things. Something is wrong. In case [...]

Pantasya

Naulinigan niya ang mahinang bulong at hagikhik na nanggagaling kung saan. Mababaw siya kung matulog, kaya naman naalimpungatan siya at hinanap kung saan nanggagaling ang tunog. Sino naman kaya ang gising pa sa ganitong oras? Hindi pa niya lubusang naiaangat ang kanyang katawan nang makita niya ang liwanag na nanggagaling sa computer monitor nilang magkaibigan. [...]

Limampu at lima

SULAT Araw-araw kong inaabangan ang liham na ipinadala niya sa akin, subalit wala pa ring dumadating. Kulang na lang ay tanungin ko ang kartero. Pero tuluyan na yatang nawala. Nakakapanghinayang. Hindi bale, pero sana hindi siya magsawang sumulat sa akin. Baka kasi sa huli ay mawala rin ang pag-ibig niya tulad ng sulat na ipinadala [...]

Pagbabalik sa ‘Gapo

Tatlong taon na simula noong huli tayong magkita. Naaalala mo pa ba? Matapos ang mapait na tagpo sa pagitan nating dalawa ay napag-isipan kong itigil na ang kabaliwang ito. Nagsimula akong lumimot. Masakit, oo, pero iyon ang nararapat. Subalit sa kabila ng inaasahan kong mga gabing puno ng pait, mabilis na naghilom ang aking puso. [...]

Tukso

“Butete. Butete. Bu-te-te. Buteteng Laot .” ********** Nagising ako. Kinapa ko ang cellphone ko na nasa ibabaw ng lamesa; ala-una ng umaga. Masyadong alanganin ang oras para manatili akong gising. Kadalasan kasi ay hindi na ako natutulog kapag naalimpungatan. Nagtalukbong ako ng kumot at pinilit matulog. ********** Ilang oras pa ay nagising na ako ulit, [...]

Forgive Me, For I Have Sinned

O my God, I am heartily sorry for having offended Thee, and I detest all my sins, because I dread the loss of heaven, and the pains of hell; but most of all because they offend Thee, my God, Who are all good and deserving of all my love. I firmly resolve, with the help [...]

Pedro Gil

Nakita ko siya kanina, nakita ko siya kanina, nakita ko siya kanina… Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Mensahe galing sa iyo. Nangungumusta. Kung ano na ang nangyayari sa akin. At sa kanya. Paano nga ba kayo nagkakilala? Hindi mo kinuwento sa akin ang buong detalye. Tinanong mo lang [...]

Una (Tatlong Kuwento Alay Sa Unang Halik)

Animnapu Gone in 60 Seconds. Hindi romantikong pelikula ang napili nating panoorin, pero dahil mukha naman itong maganda ay ito ang umaandar sa loob ng DVD player sa may salas. Kandong ko ang malaking mangkok ng popcorn habang inaantay ko ang pagbabalik mo mula sa kusina para kunin ang isa’t kalahating litro ng softdrinks. Umupo [...]

Tubao

“Galit ka ba sa akin?” “Hindi.” “Eh bakit hindi ka nagsasalita?” “Wala lang.” Patlang. “Mahal mo ba ako?” “Ha?” “Sabi ko, mahal mo ba ako?” “Ewan…” “Ano’ng sagot mo? Dalian mo. Aalis na itong jeep.” “Ewan ko nga.” “I’ll take that as a yes. Well, tayo na ha? See you around.” “Okay.” Nahanap ko ang [...]

Love Letters Sa Diyaryo: Part I

Nakasanayan ko nang bumaba ng maaga galing sa apartment unit namin para kunin ang diyaryo sa vending machine. Hindi naman kasi katulad ng ibang lugar na mayroong delivery boy na nagdadala ng diyaryo, dito eh haytetch, este, high-tech. Di-pihit ang pagkuha ng diyaryo. Hindi rin katulad sa Pilipinas na mayroong bilihan sa diyaryo sa malapit [...]