Archive for the ‘The Ampersand’ Category

Pantasya

Naulinigan niya ang mahinang bulong at hagikhik na nanggagaling kung saan. Mababaw siya kung matulog, kaya naman naalimpungatan siya at hinanap kung saan nanggagaling ang tunog. Sino naman kaya ang gising pa sa ganitong oras?
Hindi pa niya lubusang naiaangat ang kanyang katawan nang makita niya ang liwanag na nanggagaling sa computer monitor nilang magkaibigan. Naisip [...]

Limampu at lima

SULAT
Araw-araw kong inaabangan ang liham na ipinadala niya sa akin, subalit wala pa ring dumadating. Kulang na lang ay tanungin ko ang kartero. Pero tuluyan na yatang nawala. Nakakapanghinayang.
Hindi bale, pero sana hindi siya magsawang sumulat sa akin. Baka kasi sa huli ay mawala rin ang pag-ibig niya tulad ng sulat na ipinadala niya.
SELDA TREINTA [...]

Pagbabalik sa ‘Gapo

Tatlong taon na simula noong huli tayong magkita. Naaalala mo pa ba? Matapos ang mapait na tagpo sa pagitan nating dalawa ay napag-isipan kong itigil na ang kabaliwang ito. Nagsimula akong lumimot. Masakit, oo, pero iyon ang nararapat.
Subalit sa kabila ng inaasahan kong mga gabing puno ng pait, mabilis na naghilom ang aking puso. Nakuha [...]

Tukso

“Butete. Butete. Bu-te-te. Buteteng Laot .”
**********
Nagising ako. Kinapa ko ang cellphone ko na nasa ibabaw ng lamesa; ala-una ng umaga. Masyadong alanganin ang oras para manatili akong gising. Kadalasan kasi ay hindi na ako natutulog kapag naalimpungatan. Nagtalukbong ako ng kumot at pinilit matulog.
**********
Ilang oras pa ay nagising na ako ulit, pero para naman pumasok [...]

Forgive Me, For I Have Sinned

O my God, I am heartily sorry for having offended Thee, and I detest all my sins, because I dread the loss of heaven, and the pains of hell; but most of all because they offend Thee, my God, Who are all good and deserving of all my love. I firmly resolve, with the help [...]

Pedro Gil

Nakita ko siya kanina, nakita ko siya kanina, nakita ko siya kanina… Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Mensahe galing sa iyo. Nangungumusta. Kung ano na ang nangyayari sa akin. At sa kanya.
Paano nga ba kayo nagkakilala? Hindi mo kinuwento sa akin ang buong detalye. Tinanong mo lang ako [...]

Una (Tatlong Kuwento Alay Sa Unang Halik)

Animnapu
Gone in 60 Seconds. Hindi romantikong pelikula ang napili nating panoorin, pero dahil mukha naman itong maganda ay ito ang umaandar sa loob ng DVD player sa may salas. Kandong ko ang malaking mangkok ng popcorn habang inaantay ko ang pagbabalik mo mula sa kusina para kunin ang isa’t kalahating litro ng softdrinks.
Umupo ka sa [...]

Tubao

“Galit ka ba sa akin?”
“Hindi.”
“Eh bakit hindi ka nagsasalita?”
“Wala lang.”
Patlang.
“Mahal mo ba ako?”
“Ha?”
“Sabi ko, mahal mo ba ako?”
“Ewan…”
“Ano’ng sagot mo? Dalian mo. Aalis na itong jeep.”
“Ewan ko nga.”
“I’ll take that as a yes. Well, tayo na ha? See you around.”
“Okay.”
Nahanap ko ang lumang tubao na kinuha ko sa iyo ilang taon na ang nakakaraan. Bagay [...]

The Future

The future sounds intimidating. It gives us the feeling that things that will come are inevitable, and that we cannot do anything to avoid what will happen. The thought makes us incapable of manipulating the upcoming events. We cannot see it, but we know that sooner or later, time will run out and everything will [...]