Hyperlexia » Filipino

Pagninilay
Noong nakaraang Enero ay nanumpa na ako sa harap ng hukom at naging ganap nang mamamayan ng bansang Canada. Taong 2006 ko pa napagdesisyunan ito at naayos lang ang proseso ng application ko noong nakaraang taon. Bandang Hunyo ay naisaayos ko na ang papeles; dumating ang Nobyembre at naganap ang pagsusulit.

Sa mga buwang nagdaan habang naghihintay ako ng sulat bilang kasagutan, wala namang bumagabag sa akin. Kasi ang layunin ko ay para mabawasan na ang dapat kong gawin. Nakatuon lang ang pansin ko sa ideya na may mga importante akong bagay na dapat tapusin bago man lang ako matapos ng pag-aaral ko, at isa na dito ay ang maisaayos ko ang aking status. Malaking bahagi na rin ng pagpapasya ko na kumuha na ng citizenship examination ang mga long-term goals ko – kung mag-aaral ba ako sa ibang probinsya o ibang bansa, o kung balak ko bang maglakbay sa ibang lugar.

Pero nang naramdaman ko na ang nalalapit na oras ng panunumpa, bumalik na naman ang pagdududa ko sa aking sarili. Totoo nga at hindi ako nagdalawang-isip habang in-process ang pagiging citizen ko, subalit inabot din ako halos ng isang taon kakaisip kung tama nga ba ang gagawin ko, at ano ang mga bagay na nakalaan at kaakibat ng desisyon kong ito. Umabot din sa puntong naisip kong parang kay dali yatang maging mamamayan ng Canada dahil madali lang ang pagsusulit. Inisip ko kung ano nga ba ang dahilan ng pagiging isang legal na mamamayan ng isang bansa; ano ang mangyayari kung magiging Canadian na ako, at ano naman ang mangyayari sa pagiging Filipino ko.

Noong nakuha ko na ang resulta mga dalawa o tatlong linggo bago ako manumpa, alam kong wala nang atrasan ito. Tutal, ginusto ko naman ito. Subalit sa kabila noon, nakaramdam ako ng inis sa sarili ko. Parang nakagawa ako ng krimen sa sarili kong bansa. Pakiramdam ko, naging traydor ako sapagkat mas iniisip ko pa ang sarili kong kapakanan kaysa sa kapakanan ng bansang iniwan ko. Parang hindi rin ako naiiba sa mga taong paglapag na paglapag pa lamang ng kanilang mga paa sa ibang bansa ay kinalimutan na ang kanilang pinagmulan at pilit ang pagsasalita ng Ingles kahit naman marunong sila mag-Tagalog.

Matapos kong manumpa, naalala kong may naisulat ako tungkol sa plano kong pagpasa ng application mga isa o dalawang taon na ang nakakaraan. Binalikan ko ang aking talaarawan at nainis ako sa sarili ko sapagkat nakalimutan ko ang tanging dahilan kung bakit ako nagpasyang ipagpatuloy ang aking plano: “Kahit saang sulok pa ako ng mundo dalhin, kahit anong wika at tradisyon pa ang matutunan ko, hindi pa rin maaalis sa akin ang kinalakihan ko. I still respect my country today they way I respected it before.”

Originally published at Filipino Journal, Volume 22, Number 8.

Ang Aming Sigaw
Sa araw na tumapak ang aking mga paa sa campus ng University of Manitoba, isa sa mga hinanap ko ay ang isang samahan para sa mga Pilipinong estudyante ng nasabing pamantasan. Subalit laking panghihinayang ko nang malamang ang samahang hinahanap ko ay hindi na pala matatagpuan. Sa madaling salita, naglaho na ito.

Dumaan ang ikalawang taon ko sa unibersidad, at sa mga panahong ito ay naitanong ko sa aking sarili kung bakit nga ba walang club para sa mga Pilipinong estudyante. Isa itong malaking palaisipan dahil ang populasyon ng University of Manitoba ay isang halimbawa lamang ng pagiging multicultural ng bansang Canada, at maraming Pilipinong naninirahan sa lungsod kung saan kami nagsimulang tumira ilang taon na rin ang nakakaraan. May mga grupo para sa mga Chinese, sa mga Indian, sa mga Japanese, Taiwanese at Korean, pero bakit walang grupo para sa mga Pilipino? O hindi kaya, bakit wala na ang naunang grupong naitatag?

Hindi ko man nahanap ang kasagutan sa mga tanong na ito, nagkaroon naman ng katuparan ang aking hinihiling nang ako ay sumapit na sa ikatlo kong taon. Sa mga panahong ito, nakahanap ako ng mga kapwa Pilipinong mag-aaral, at tulad ng aking saloobin, naghahanap din sila ng grupong magbibigay tinig sa mga Pilipinong nananalagi at nag-aaral sa nasabing paaralan. Hindi lumaon ay nabuo namin ang panibagong grupo–ang UM-Sigaw.

Minabuti naming tawaging “Sigaw” ang aming grupo dahil alam naming kailangang bigyang tinig ng “Sigaw” ang mga mag-aaral na Pilipino sa University of Manitoba. Layunin din naming pagbigkisin ang mga Pilipino, imigrante man o lumaki na sa Canada, dahil naniniwala kaming hindi dahilan ang pagkamulat sa banyagang kultura o ang permanenteng pagtira sa ibang bansa para itakwil o ipagwalang-bahala ang isang bahagi ng aming pagkatao: ang aming pagiging Pilipino.

Hindi naging madali ang pagtahak tungo sa pagkakaroon ng isang organisasyon sa loob ng unibersidad. Hindi ito dahil sa matagal ang aming hihintayin o masyadong mahigpit ang mga alituntunin sa pagbubuo ng isang grupo. Nakakalungkot mang sabihin, ngunit sa aking palagay, mahirap ang maghanap ng mga kabataang Pilipinong handang maglaan ng oras para makilala ang ilang kababayan. Ang ilan naman ay mahirap lang hagilapin at gawing miyembro dahil sa pagiging abala sa eskuwela, at ang mas nakakalungkot pa, may ibang hayagan nang itinakwil ang pagiging Pilipino (kahit na iilang taon pa lamang dito) o hindi lang talaga interesadong sumali.

Sa kabila ng mga problemang ito ay matagumpay rin naming nabuo ang grupo at nakakuha ng miyembro noong Enero ng taong ito. Nagsimula na rin kaming gawin ang mga proyekto ng grupo para sa susunod na school year upang maipagpatuloy ang pagiging aktibo ng organisasyon. Aaminin ko, hindi pa rin nawawala ang mga problemang nabanggit ko, at hindi maiwasang makaramdam ako ng kalungkutan at panghihinayang sa sitwasyong ito.

Karamihan sa mga migranteng nagpupunta dito sa Canada ay may mga dalang anak na teenagers o young adults. Kung ang mga kabataang ito ay mawawalan ng interes na panatilihin ang wika, kultura at tradisyong kanilang kinalakihan, paano nila ito ibabahagi sa ibang tao, lalo na sa mga kapwa nila kabataang sa ibang kultura at tradisyon na lumaki? Paano na lamang makakatanggap ng peer support ang mga Pilipinong nasa unibersidad kung ang mga Pilipino mismong nag-aaral sa napakalaking pamantasang ito ay hiwa-hiwalay at hindi magbubuklod-buklod?

Sa kabila ng mga nakakadismayang sitwasyon tulad nito, aking iniisip na hindi dapat maging hadlang o maging sanhi ng panghihina ng loob ang mga bagay na ito. Hanggang may nakikilala akong mga kabataang tulad kong handang tumulong upang panatilihin ang grupo sa loob ng unibersidad at maglingkod sa pamayanan ng mga Pilipino rito sa lungsod ng Winnipeg, dapat lamang na magpatuloy sa pagbuo ng proyekto ang organisasyon. Sa ganitong pagkakataon, mananatili ang UM-Sigaw sa pagbibigay boses sa mga Pilipinong mag-aaral sa aming pamantasan.

Originally published at Tinig, under the column, Ibayo.

Pantasya
Naulinigan niya ang mahinang bulong at hagikhik na nanggagaling kung saan. Mababaw siya kung matulog, kaya naman naalimpungatan siya at hinanap kung saan nanggagaling ang tunog. Sino naman kaya ang gising pa sa ganitong oras?

Hindi pa niya lubusang naiaangat ang kanyang katawan nang makita niya ang liwanag na nanggagaling sa computer monitor nilang magkaibigan. Naisip niyang baka nanonood lang ng kung ano ang kaibigan niya, pero ano naman ang pinapanood niya? At madaling-araw na!

Dahan-dahan siyang gumapang para di matanaw ng kaibigan niyang nagising siya. Nasa itaas siya ng bunk bed kaya naman maaari niyang tingnan ang ginagawa nito. Wala ito sa harapan ng monitor. Nang nakapag-adjust na ang kanyang paningin sa dilim ng paligid ay nakiramdam siya. At nakarinig ng mga bagay na sa loob-loob niya ay di na lang niya dapat pinakinggan.

“Sshhhh! Huwag kang maingay!”

“Pero natatawa ako! Hihihi!”

“Baka magising si Felix.”

“Hindi ‘yan. Puyat yan kakaaral kaya malamang naghahabol ng tulog.”

“Sigurado ka? Paano kapag nahuli tayo?”

“Hindi tayo mahuhuli. Sigurado ako. Pagbibigyan mo ba ako?”

“Hihihi. Sige na nga.”

Napadilat siya sa kawalan. Tama ba ang narinig niya? Baka naman tulog pa siya at nananaginip lang. Kinapa niya ang kanyang cellphone at tiningnan ang oras, alas-tres ng madaling-araw. Gising nga siya. Ano ba ang narinig niya? May babae sa loob ng kuwarto nilang magkaibigan?

Nakiramdam siya ulit. Wala na siyang naririnig na pag-uusap, pero may naririnig siyang mahinang ungol. Napamura siya sa sarili. Pilit niyang tinandaan ang boses ng babae, subalit bigo siya. Inisip niya ang mga naging nobya ng playboy na kaibigan. Carla. Jonah. Kristel. Mae. Justine. Madami. Madaming-madami. Malamang bagong babae na naman ito, sa loob-loob niya.

Sanay na siyang madaming babaeng pinapakilala sa kanya ang kaibigan niya, pero ito yata ang pagkakataong may itinakas na babae ang mokong sa loob ng boarding house. Bawal magdala ng babae sa loob, at tiyak na kasama siya sa malilintikan kapag nalaman ito ng landlady. Naisip niyang kausapin na lang ang kaibigan kinaumagahan para naman hindi na nito ulitin ang nangyari. Nakatingala pa rin siya sa kisame, naaaninagan lang niya ang liwanag ng computer habang naririnig niya ang ginagawang milagro ng kaibigan niya at ng babaeng dala nito. Pumikit siya, sinubukang matulog, pero hindi na niya magawa, lalo na at narinig niya ang nakakaakit na pag-ungol ng babae.

Ang pagkailang ay napalitan ng hindi mapigilang pananabik na nagsisimula nang gumapang sa kanyang katawan. Nakaramdam siya ng panginginig ng kanyang laman. Napapikit siya, pagkuwan ay napadilat muli. Tama ba ang gagawin niya? Ah, bahala na, sa loob-loob niya, sabay talukbong ng kumot. Sa kanyang pagkukubli ay nagpakalunod siya sa naririnig niyang halinghing, bulong, at pigil na pagsigaw na nagmumula lamang sa ilalim ng kamang kanyang kinahihigaan. Hindi na niya naiintindihan ang nararamdaman niya, parang nilalamig siya na naiinitan, at alam niyang isa lang ang paraan para maibsan ang kakaibang sensasyong iyonï¿½

Naramdaman niya ang mahinang pagyugyong ng bunk bed, patunay na ganoon din ang ginagawa ng dalawa sa ilalim. Napapikit siya ng mariin. Kaunti na lang… malapit na…

May paimpit na sigaw siyang narinig, at napatigil ang paggalaw ng kama. Nakaramdam siya ng pagkislot ng bahagi ng kanyang katawan, pagkatapos ay napatigil siya sa kanyang ginagawa. Pinagpapawisan na siya ng butil-butil at nawala na ang mainit-malamig niyang pakiramdam. Pinunasan niya ang kanyang pawis gamit ang kanyang kumot at mabilis subalit maingat niyang inayos ang sarili.

Narinig niyang nagsalita ang kaibigan niya, kausap ang babae. “Masarap ba?” Tumawa lang ang babae.

Napangiti siya sa sarili. Hindi niya muna isusumbong ang kaibigan niya sa landlady.

Originally posted at Peyups, under the column, The Ampersand.

Limampu at lima
SULAT

Araw-araw kong inaabangan ang liham na ipinadala niya sa akin, subalit wala pa ring dumadating. Kulang na lang ay tanungin ko ang kartero. Pero tuluyan na yatang nawala. Nakakapanghinayang.

Hindi bale, pero sana hindi siya magsawang sumulat sa akin. Baka kasi sa huli ay mawala rin ang pag-ibig niya tulad ng sulat na ipinadala niya.

SELDA TREINTA Y OCHO

Nakakasawa na ang paulit-ulit na panenermon nina ma at dad. Ang problema naman kasi, hindi lang naman ako ang may kasalanan kung bakit ganito kami ngayon. May responsibilidad din sila noon at hindi nila nagampanan iyon. Bakit ako lang ang sinisisi? Dahil magulang sila at anak lang ako?

Malaya ako pero nasasakal pa rin ako.

KAPE

Kung tama ang pagkakabilang ko, may labing-apat akong trabahong dapat tapusin sa limang subject ko sa eskuwela. Kumikirot na ang ulo ko sa pagod at puyat. Oo, pagod lang talaga ako.

Nginitian mo ako at marahang hinalikan sa pisngi. Nilapag mo ang isang malaking tasa ng kape sa aking lamesa. Oo, kaya ko nga ito.

LARAWAN

Dalawang taon na akong nandito sa ibang bansa at simula noong huli tayong nagkita-kita. Araw-araw kong tinitingnan ang larawan natin noong tayo ay nagtapos. Masaya tayong pito noon. Dama natin ang ating kabataan at ang matibay nating pagkakaibigan.

Tumatanda na tayo. Nangungupas na ang larawan. Naaalala ko kayo palagi, pero ako, naaalala niyo rin kaya?

Originally posted at Peyups, under the column, The Ampersand.

Pagbabalik sa ‘Gapo
Tatlong taon na simula noong huli tayong magkita. Naaalala mo pa ba? Matapos ang mapait na tagpo sa pagitan nating dalawa ay napag-isipan kong itigil na ang kabaliwang ito. Nagsimula akong lumimot. Masakit, oo, pero iyon ang nararapat.

Subalit sa kabila ng inaasahan kong mga gabing puno ng pait, mabilis na naghilom ang aking puso. Nakuha kong muling ngumiti. Wala na ang mga luhang tumutulo tuwing nakikinig ako sa mga awiting pareho nating gusto. Tapos na ang pighati para sa akin. Bahagi ka na lamang ng isang alaala.

Natakot ako nang naisip ko iyon. May kirot akong nadama sa kaalamang may mga damdamin palang madali at kusang naglalalo. Isa kaya itong senyales na hindi kita tunay na minahal? Isang panandaliang pagtatangi lang nga kaya ang nadama ko sa iyo? Mahirap hanapan ng sagot ang mga bagay-bagay; siguro ay nararapat lamang na iwanan ito nang hindi nabibigyan ng kasagutan. Siguro, kung sakaling mahahanap ko ang sagot ay hindi ko naman ito matatanggap, kaya mas mabuting iwan na lamang ito kung ano ito ngayon bilang isang katanungan. Isang palaisipan.

Tatlong taon. Wala na akong narinig sa iyo pagkatapos noon. Tuloy ang buhay, sabi nga nila. Hindi ko na naririnig ang pangalan mo tuwing nagkikita kami ng pinsan ko na kaibigan mo rin. Hindi ka na nagpapadala ng e-mail o ng text message. Naging bagong nobya mo na ang isa sa mga kaibigan natin. Wala na ang anino mo. Wala ka na. Siguro iniwasan mo rin ako, para hindi na ako masaktan at para hindi rin masaktan ang babaeng mahal mo ngayon. Kapag iniisip ko ito ay hindi ko magawang magalit, bagkus ay napapangiti ako. Pinili mo ang babaeng mahal mo at hindi ang kaibigan mo (na nagmahal, o nag-akalang minahal ka). Gumawa ka ng desisyon sa kabila ng kaalamang may masisiyahan at may masasaktan. Kaya naman ngayon ay napapahanga ako sa iyong ginawa.

Kaibigan, muli akong maglalakbay patungo sa lugar na naging napakahalaga sa akin. Hindi ko alam kung kailan ako muling magbabalik. Hindi ko rin alam kung magkakasalubong pa ang ating mga landas. Subalit sigurado ako na sa muli kong pagbabalik sa ‘Gapo ay wala nang ngiting maglalaho sa aking labi tulad noong unang pagkakataong sumayad ang aking mga paa sa lupaing nagbigay sa akin ng pinaghalong tamis at pait na alaala.

Originally posted at Peyups, under the column, The Ampersand.