Archive for the ‘Filipino’ Category
Sunday, April 20th, 2008
Noong nakaraang Enero ay nanumpa na ako sa harap ng hukom at naging ganap nang mamamayan ng bansang Canada. Taong 2006 ko pa napagdesisyunan ito at naayos lang ang proseso ng application ko noong nakaraang taon. Bandang Hunyo ay naisaayos ko na ang papeles; dumating ang Nobyembre at naganap ang pagsusulit.
Sa mga buwang nagdaan habang [...]
Wednesday, July 18th, 2007
Sa araw na tumapak ang aking mga paa sa campus ng University of Manitoba, isa sa mga hinanap ko ay ang isang samahan para sa mga Pilipinong estudyante ng nasabing pamantasan. Subalit laking panghihinayang ko nang malamang ang samahang hinahanap ko ay hindi na pala matatagpuan. Sa madaling salita, naglaho na ito.
Dumaan ang ikalawang taon [...]
Saturday, February 25th, 2006
Naulinigan niya ang mahinang bulong at hagikhik na nanggagaling kung saan. Mababaw siya kung matulog, kaya naman naalimpungatan siya at hinanap kung saan nanggagaling ang tunog. Sino naman kaya ang gising pa sa ganitong oras?
Hindi pa niya lubusang naiaangat ang kanyang katawan nang makita niya ang liwanag na nanggagaling sa computer monitor nilang magkaibigan. Naisip [...]
Saturday, October 8th, 2005
SULAT
Araw-araw kong inaabangan ang liham na ipinadala niya sa akin, subalit wala pa ring dumadating. Kulang na lang ay tanungin ko ang kartero. Pero tuluyan na yatang nawala. Nakakapanghinayang.
Hindi bale, pero sana hindi siya magsawang sumulat sa akin. Baka kasi sa huli ay mawala rin ang pag-ibig niya tulad ng sulat na ipinadala niya.
SELDA TREINTA [...]
Saturday, September 3rd, 2005
Tatlong taon na simula noong huli tayong magkita. Naaalala mo pa ba? Matapos ang mapait na tagpo sa pagitan nating dalawa ay napag-isipan kong itigil na ang kabaliwang ito. Nagsimula akong lumimot. Masakit, oo, pero iyon ang nararapat.
Subalit sa kabila ng inaasahan kong mga gabing puno ng pait, mabilis na naghilom ang aking puso. Nakuha [...]
Saturday, July 2nd, 2005
“Butete. Butete. Bu-te-te. Buteteng Laot .”
**********
Nagising ako. Kinapa ko ang cellphone ko na nasa ibabaw ng lamesa; ala-una ng umaga. Masyadong alanganin ang oras para manatili akong gising. Kadalasan kasi ay hindi na ako natutulog kapag naalimpungatan. Nagtalukbong ako ng kumot at pinilit matulog.
**********
Ilang oras pa ay nagising na ako ulit, pero para naman pumasok [...]
Friday, July 1st, 2005
Sa gulong nagaganap sa Pilipinas ay nananatili kami ng aking pamilya na nakatutok sa The Filipino Channel o TFC, kung saan kami nakakakuha ng mga balita, maliban sa pagbisita sa mga websites ng mga pangunahing pahayagan sa Pilipinas. Gaano man ang pagkaaliw ng aking nakababatang kapatid sa teleseryeng Kampanerang Kuba ay ganoon naman ang pagkadismaya [...]
Saturday, June 18th, 2005
Nakita ko siya kanina, nakita ko siya kanina, nakita ko siya kanina… Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Mensahe galing sa iyo. Nangungumusta. Kung ano na ang nangyayari sa akin. At sa kanya.
Paano nga ba kayo nagkakilala? Hindi mo kinuwento sa akin ang buong detalye. Tinanong mo lang ako [...]
Saturday, April 23rd, 2005
Animnapu
Gone in 60 Seconds. Hindi romantikong pelikula ang napili nating panoorin, pero dahil mukha naman itong maganda ay ito ang umaandar sa loob ng DVD player sa may salas. Kandong ko ang malaking mangkok ng popcorn habang inaantay ko ang pagbabalik mo mula sa kusina para kunin ang isa’t kalahating litro ng softdrinks.
Umupo ka sa [...]
Saturday, March 12th, 2005
“Galit ka ba sa akin?”
“Hindi.”
“Eh bakit hindi ka nagsasalita?”
“Wala lang.”
Patlang.
“Mahal mo ba ako?”
“Ha?”
“Sabi ko, mahal mo ba ako?”
“Ewan…”
“Ano’ng sagot mo? Dalian mo. Aalis na itong jeep.”
“Ewan ko nga.”
“I’ll take that as a yes. Well, tayo na ha? See you around.”
“Okay.”
Nahanap ko ang lumang tubao na kinuha ko sa iyo ilang taon na ang nakakaraan. Bagay [...]