Alalahanin Mo

Alalahanin mo kapag ako ay nawala,
lumayo na’t iiwan ka nang mag-isa,
ang mga sandaling ating pinagsamahan,
huwag mo sanang kalimutan, kahit kailan.

Kapag ang langit ay lumuha’t nagluksa,
isipin mo sanang bukas ay may bagong pag-asa,
kapag ang mga bitui’y hindi na kumislap,
tandaan mong ang buhay na ito’y di puno ng paghihirap.

Ikaw’y babangon pa rin sa kabila ng pighati,
hindi ito ang katapusan ng mundo, kahit anong mangyari,
ang bawat pagkakataon ay laging sa iyo ibinibigay,
at palitan ng ngiti ang mga sandali ng pagkalumbay.

hindi ito ang wakas kahit wala na ako,
ako’y gumagabay sa iyo saan mang dako,
nariyan ako sa iyong puso, di man silip ng mga mata,
sana’y alalahanin mo ito, kapag ako ay nawala.

# # # # # # # # # #
Originally published at Tinig, Issue 14.

This entry was posted on Wednesday, May 1st, 2002 at 6:20 pm and is filed under Filipino, Poetry, Tinig. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. Responses are currently closed, but you can trackback from your own site.

Comments are closed.