Alalahanin Mo
Alalahanin mo kapag ako ay nawala, lumayo na’t iiwan ka nang mag-isa, ang mga sandaling ating pinagsamahan, huwag mo sanang kalimutan, kahit kailan. Kapag ang langit ay lumuha’t nagluksa, isipin mo sanang bukas ay may bagong pag-asa, kapag ang mga bitui’y hindi na kumislap, tandaan mong ang buhay na ito’y di puno ng paghihirap. Ikaw’y [...]